Lunes noong tayo'y magkakilala...
Posted by wulfgar at 08:16 PM on November 7, 2005.
Napaisip ako kamakailan, na may dalawang uri pala ng kagaandahan para sa akin.
Mayroong kagandahan na tunay na makatawag-pansin, ngunit masakit sa mata. Masakit sa mata at masakit sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit pero ganun ang dating nila.
Ang gaganda nila.
Pero masakit sa mata. At parang pinipiga ang puso ko.
Hindi ibig sabihin nito na hindi ko sila gusto. Ang totoo, gusto ko talaga sila, at malamang na ituring ang sarili na tunay na mapalad kung sila's mapapasaakin. Ngunit habang nangangarap at nananaginip ay may patuloy na kumakalabit sa isipan, bumubulong ng: "Nako, hindi ka sasaya diyan... Hindi siya... Hanap ka ng iba..."
(Ngayon alam mo na, at alam ko na rin, kung bakit binata pa rin ako hanggang ngayon.)
Ngunit mayroong ganda na hindi kasing bulgar ng nauna: masarap pagmasdan, at magaan sa loob. Tunay ring maganda, pero ang maririnig mo mula sa iyong kunsensiya ay hindi pagtutol kundi pagsang-ayon: "Oo nga no... maganda nga siya."
Yun bang ganda na animo'y nangangako, hindi ng ligalig, kundi katahimikan, kapayapaan, kapahingahan.
Noong nakaraang Lunes, nakakita ako nito.
Hindi ako gaanong makatingin (likas kasi akong mahiyain), ngunit naitatak sa isipan ko ang mukha niya sa maikling sandali. Nagkatabi kami sa isang maliit na pagpupulong. Hindi pa rin ako tumitingin noong una, ngunit nang nagsimula siyang magsalita, dahan-dahan akong tumingala. Malamyos na musika ang kanyang tinig. Dahil dito hindi ko na napigilan ang lumingon at magmasid habang nagkukuwento siya (sa grupo). Hindi na ako nakapagsalita dahil binusog ko muna ang mga mata ko.
Maingay at magulo sa paligid ngunit sa kinauupuan ko, sa tabi niya, naroon ang katahimikan. Naroon ang kapayapaan. Naroon ang kapahingahan.
Umuwi ako noong madaling araw ng Martes, dala ang kanyang ngiti at alaala. Hindi ko alam kung magkikita pa kami. Pero ipinapanalangin ko na sana nga, makita ko siya ulit. Medyo malabo, kasi anlayo niya tapos may nobyo pa siya at magkaiba talaga kami ng mundo.
Ngunit wala namang imposible sa Panginoon. Kung hindi ko man siya makita ulit, makakakita pa naman ako ng tulad niya.